Desire Love

Chapter 16: Be my Maid Again



Aleighn's POV

Mabilis kaming nakarating sa ospital kaya naman humahangos agad akong nag tungo sa emergency room upang hanapin ang anak ko

Agad kong nakita si Aling Choleng na palakad lakad at hindi mapakali sa harapan ng emergency room "Aling Choleng ang anak kopo?!" umiiyak kong sabi ng lapitan ko siya

"Hindi ko sinasadya Leighn hindi ko kaagad napansin na hindi siya makahinga, dahil abala akong mag ayos ng mga paninda mo. Bigla nalang siyang tumumba at napansin ko nalang na wala na siyang malay!" umiiyak niya rin na untag "Tinawagn kita pero hindi ka sumasagot, butin nalang at nakontak ko kaagad si Andrea at nasabi ko sakanya ang nangyari," dugtong pa ni Aling Choleng habang uniiyak

"Ano pong sabi ng doctor?" tanong ko

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin sa anak mo, kung napansin ko lang agad sana na hindi pala maayos ang pakiramdam ni Ravi hindi ko na sana aiya iniwan mag isa sa sala!" untag ni aling Choleng "Magiging maayos si Ravi sigurado po ako doon, wag niyi ng sisihin nag sarili ninyo," sambit ko sa matanda dahil ramdam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari

Inakay ko si aling Choleng sa waiting area malapit sa emergency room para maupo, tahimik lamg kaming dalawa habang nag hinintay at tila hindi mapanatag ang puso ko. Natatakot akong baka mapaano ang anak ko

Umiiyak lang ako habang tahimik na nagdarasal na sana walang mangyaring masama sa anak ko

Napansin kong nakasunod pala sa akin si sir Craige habang palapit ulit ako sa pintuan ng emergency room

"Where's you're son?" walang emosyon niyang tanong ng makalapit sa akin

"Na-nasa loob pa," umiiyak kong untag

"He will be fine," sambit niya na ikina gulat ko, dahil pakiramdam ko punong puno ng pag alala ang boses niya

Maya maya lang ay lumabas na din ang doctor na sa palagay ko ay ang tumingin sa anak ko

"Sino ang magulang ng batang nag ngangalang Ravi Sta. Mari?" untag ng doktor habang hinuhubad ang lab gown na suot

"Doc kamusta ang anak ko?!" medyo kalmado ko ng sabi

Hawak ni Aling Choleng ang kamay ko habang hinihintay naming sumagot ang doctor, at iba ang pakiramdam ko base sa itsura ng doctor mukhang hindi maganda ang ibabalita niya

"You're son needs to under go some test and medication Ms. Sta. Maria, masyadong mahina ang baga niya kaya madalas na hinihingal siya. I suggest na dapat nasa maayos siyang environment ng sa ganoon maiwasan ang ganitong pangyayari," seryosong untag ng doktor

"Kamusta po siya ngayon doc?"tanong ni Aling Choleng

"He's stable sa ngayon hayaan natin siyang makapag pahinga muna ng maayoa, ililipat muna namin siya sa maayos na kuwarto bago niyo sa bisitahin, and please Ms. Sta. Maria ipatingin mo ang anak ko sa espesyalista bago pa man lumala ang nararamdaman niya. Mauuna na ako tawagin niyo nalang ako kaoag may mga tanong pa ho kayo,"untag ng doctor bago tuluyang mag martsa palayo sa amin

"

"Aling Choleng kayo nalang muna po ang bahala kay Ravi, kaoag nagising siya sabihin mong bumili lamg ako ng pagkain," untag ko habang nagpipigil ng luha

"Saan ka pupunta, hindi mo man lang ba sisilipin muna ang anak mo?" kunot noong tanong ni Aling Choleng sa akinnoveldrama

"Ka-kailangan kong magtrabaho para maipagamot ko siya ha-hanggat maaga aling Choleng, na-natatakot akong baka biglang mawala ang anak ko sa akin, kaya magta trabaho ho muna ako at hahanap ng pera para maipa tingin ko kaagad siya sa espesyalista!" umiiyak ko pa rin nasabi

"Walang mangyayari kay Ravi Aleighn, magdasal ka magiging maayos ang apo ko!" umiiyak rin na untag ni Aling Choleng

"I can help," untag bigla ni sir Craige habang naka upo at naka tingin ng direkta sa mga mata ko

"Be my maid again and I will pay for everything," walang emosyon niyang sambit

"At ano ang kapalit?" untag ko

"Magiging katulong kita sa bahay ko o sa opisina ko hanggang sa mag sawa ako, ako ang bahala sa pagpapa gamot ng anak mo at iba oang5 kailangan basta gawin mo lahat ng iuutos ko!" madiin niyang sabi habang direkta pa ring nakatingin sa akin ng seryoso

Papalit palit ng tingin sa akin si aling Choleng at kay si Craige, ramdam niya sigurong may hindi magandang mangyayari sa usapan naming ito

"Hindi ka pwedeng magsawa o umayaw sa mga ipapagawa ko hanggat hindi ko sinasabi. You don't have any rights to tell me when to stop or not, ako ang mag de desisyon kung kailan ko gusting tapusin ang oagiging katulong mo sa akin ganoon ka simple, ako na ang bahala sa lahat ng kailangan para sa anak mo," maawtoridad niyang untag ulit

Leave it or take it Ali? Tatanggi kapa ba kung alam mo naman sa sarili mong wala kang magagawang paraan? Its you're sons life, kaya if I were you I would do everything just for him,"mayabang naman niyang sabi ngayon Talagang gagawin ko ang lahat para sa anak ko, kahit mahirapan ako ng paulit ulit gagawin ko

Alam kong mahirap pakisamahan ang taong tulad ni Craige Aldomar pero buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, may takot man akong nararamdaman na baka kung ano na naman ang gawin at sabihin niya sa akin, pero bahala na para sa ikaka buti ng anak ko saka pwede naman siguro akong lumaban kapag sobra na siya sa akin

"Ikaw ang bahala sa lahat lahat basta pumayag lang akong maging katulong mo hangga't gusto mo?" tanong kong naninigurado sakanya habang seryosong nakatingin din sa mga mata niya

"Yes I'll take care of everything," mayabang niyang sagot

"Sige pumapayag na ako, basta para sa anak ko pumapayag na ako," sagot ko sabay punas sa luhang tumulo mula sa mga mata ko

Alam kong mas lalo lang bababa ang tingin ng isang Craige Aldomar sa tulad kong mahirap, desperada at dalagang ina pero wala na akong pakialam basta para sa anak ko tatanggapin ko lahat ng pang iinsulto niya sa akin Pakikisamahan ko ang ugali niya kahit sa totoo lang nakaka suka ang pagkataong meron siya


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.