Kabanata 23
Kabanata 23
“Heh.”
Kutya ni Jeremy. Tinitigan niya si Madeline gamiti ang kanyang mga maitim na mata.
“Madeline, minaliit kita. Nagawa mo pa bayaran ang mga dokto dito para magsinungaling sila sakin
tungkol sa pagbubuntis mo. Sa tingin mo ba tanga ako? Sa tingin mo ba malilinlang mo ako ng ganun
lang kadali?”
Tumingala si Madeline habang umiiyak. “Hindi! Hindi ako nagsinungaling sayo Jeremy! Bakit ako
magsisinungaling sayo tungkol doon? Nagdadalang tao talaga! Jeremy, hindi ka ba naniniwala sakin?
Hawakan mo tyan ko. Nandito talaga ang sanggol...”
Tumayo si Madeline gamit ang lahat ng kanyang lakas at hinawakan ang kamay ni Jeremy. Gusto niya
na paniiwalaan siya ni Jeremy. Nais niyang maramdaman ang buhay na namumuo sa kanyang tyan.
Subalit tinapik lang palayo ni Jeremy ang kanyang kamay.
Umalis ka sa harapan ko! Wag mo kong hawakan gamit yang napakadumi mong kamay!” Kita ang galit
sa mga mata ni Jeremy. “Hindi ka buntis. Pero kahit buntis ka talaga, ipapa-abort ko ‘yan dahil hindi ka
karapat dapat! Madeline, hindi kailanman magkakaron ng pagkakataon sa akin ang isang babaeng noveldrama
katulad mo!”
“Jeremy!” Nang makita ni Madeline na paalis na si Jeremy, hinabol niya ito kahit na paika-ika.
Hinawakan niya ang braso ni Jeremy. “Jeremy, wag ka umalis. Sinabi mo sakin na poprotektahan mo
ko habang buhay! Ako si Linnie. Nakalimutan mo na ba? Jeremy...”
Nagmakaawa si Madeline na manatili siya, ngunit na-trigger si Jeremy sa sinabi niya. Isang iglap lang,
nakaramdam siya ng isang malakas na aura ng kamatayan. Sa sumunod na segundo, tinulak siya sa
sahig ni Jeremy. Agad din na napahawak si Madeline sa kanyang tyan dahil sa sakit. Habang umiiyak,
nakita niya ang nakakatakot na ekspresyon sa mga mata ni Jeremy. “Madeline, dapat lang na
mamatay ka.”
“Jeremy...” Nagsimula ng pawisan si Madeline dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Subalit, agad
na umalis si Jeremy pagkatapos bitawan ang mga masasakit na salit. Hindi siya nag-alala sa
kalagayan ni Madeline.
Tumayo si Madeline mula sa sahig at napangiti ng mapait. Bumubuhos ang luha mula sa kanyang mga
mata.
‘Jez, hindi na ikaw ang lalaki na kilala ni Linnie...’
Pagkalipas ng mga sumunod na araw, hindi na nagpakita pa si Jeremy. Wala mang lang pagkamusta
sa kanya. Para bang nakalimutan na niya si Madeline ng tuluyan.
Nakahiga si Madeline sa higaan ngunit hindi gumaling kahit na makalipas ang ilang araw. Sa halip,
naramdaman niya na lalo siyang nanghihina. Kaya tinanong niya si Ava na dalhin siya sa isang
espesyalista upang magpatingin.
Nang lumabas ang resulta, nabigla si Madeline.
“Miss Crawford, konti na lang ang panahon na meron kayo. Kung hindi niyo iaabort ang sanggol,
mawawalan ka ng pagkakataon.”
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang doktor. Siguro ay marahil marami na siyang nakitang kamatayan kaya
manhid na siya.
Nandilim ang paningin ni Madeline ng ilang saglit. Kung hindi niya kasama si Ava ng mga
sandalingiyon, malamang ay nahimatay siya.
Alam niyang hindi niya na maaaring ipagpaliban ang paggamot sa tumor. Ngunit, hindi niya inasahan
na dadating agad ang kamalasan.
“Maddie, pwede ka magkaroon ulit ng anak, pero iisa lang ang buhay mo,” Payo sa kanya ni Ava. Hindi
na siya naghintay pa bago ayusin ang operasyon para kay Madeline.
Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik si Ava na may dalang resibo. Kinuha ito ni Madeline habang
putlang-putla ang kanyang mukha. Nang bigla niyang nilukot ang resibo at itinapon sa basurahan.
Nabigla si Ava. “Maddie?”
Basa ang mga mata ni Madeline. Kita ang determinsyon sa kanyang mga mata. “Hindi ko isusuko ang
sanggol na ito kahit ikamatay ko pa.”
Patuloy na lalala ang tumor kahit na i-abort niya ang sanggol. Oras lang ang makakapagsabi.
Maliban dito, iyon lang ang magiging kadena na maiwan niya kay Jeremy.
Mahirap ng kumbinsihin si Madeline na magbago ng desisyon ngayon.
Wala ng nagawa si Ava. Ang tanging nagawa niya nalang ay payuhan si Madeline na sabihin kay
Jeremy ang kanyang kondisyon.